a
Gadangkal ang Bakas ni Ama sa Lupang Hinirang
Published on Jun 30, 2007
Last Updated on Feb 4, 2011 at 9:48 pm

ADVERTISEMENT

NI RAUL FUNILAS
Inilathala ng Bulatlat
Vol. VII, No. 21, July 1-7, 2007

Gadangkal ang bakas ng kay amang yapak
Sa Lupang Hinirang na kanyang lupain.
May patak ng ulang gusto n’yang habulin
Kaya nagpapawis ang balat-balagat.

Gadangkal sa bukot ang butil panghasik
Na kanyang inipon noong katag-araw.
Gustong maibabad sa bakas-kalabaw
Upang mamalumpong sa libis ng bukid.

Subalit kaagaw ang buwitre’t tabon
Na laging panakaw ang pananalasa.
Biglaang umalsa’t aldabis ang taga:
“Ako’y maghahanda! At ito’ng panahong

Dapat makinabang sa lupang minana
Ang milyon kong anak na nangagdurusa.”

Hunyo 25, 2007

Inilathala ng(Bulatlat.com)

 Save as PDF

BE A BULATLAT PATRON

A community of readers and supporters that help us sustain our operations through microdonations for as low as $1.

ADVERTISEMENT

0 Comments

Trackbacks/Pingbacks

  1. Philippines news: Putaragis Amang* | Pinas.Net - [...] Gadangkal ang Bakas ni Ama sa Lupang Hinirang [...]

Submit a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Pin It on Pinterest

Share This