a
Sa ‘Yo na Ayaw Patawag na Garci 2
Published on Jun 18, 2007
Last Updated on Feb 4, 2011 at 9:48 pm

ADVERTISEMENT

NI RUSTUM CASIA*
Inilathala ng Bulatlat
Vol. VII, No. 19, June 17-23, 2007

At gusto mong paniwalaan ko na di mo talaga alam kung paano nawala ang mga CoC?

Kung sinabi mong –

habang papunta kayo sa Maynila
para i-deliver sa national canvassers
ang resulta ng Maguindanao,
biglang may dumating na apat na dragon:
y’ung dalawa, tatlo ang ulo
y’ung isa, ‘sinlaki ng Mall of Asia
y’ung isa, malaki lang nang kaunti
sa bus na biyaheng Ayala-LRT-Leveriza

at inatake kayo
at maraming poll watcher ang napuksa
(pansamantalang di isinapubliko ang kanilang mga pangalan
habang ipinapaalam sa kanilang mga kamag-anak ang kanilang sinapit)

at mabuti na lang at may kasama kayong
nagtapos ng Biology sa Harvard
at may biyaya na makipag-usap sa mga hayop

at nakipag-negotiate na hayaan kayong makabalik ng Maguindanao,
kapalit ng mga CoC,

at pumayag ang mga dragon

– baka naniwala pa ako.

Inilathala ng(Bulatlat.com)

*Si Rustum Casia ang tagapagtatag ng grupong pampanulaang Kilometer 64.

 Save as PDF

BE A BULATLAT PATRON

A community of readers and supporters that help us sustain our operations through microdonations for as low as $1.

ADVERTISEMENT

0 Comments

Submit a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Pin It on Pinterest

Share This