a
Wala sa Tatsulok ang mga Desaparecido, Nasa ‘Safehouse’ ng Walanghiyang Estado
Published on Jun 2, 2007
Last Updated on Feb 4, 2011 at 10:35 pm

ADVERTISEMENT

NI E. SAN JUAN, JR.
Inilathala ng Bulatlat

[Paumanhin kay Rex Navarette]

Natagpuang bangkay sina Jun Bagasbas at Ronilo Brezuela ng partidong Kabataan
Sa lantad na sulok ng sitio Santolan, Capalonga, Camarines Norte….

Hoy GMA madapa ka kunwari di mo alam

Kalat ang balitang pinatay sila ng mga sundalo ng Alpha Co., 31st Infantry Battalion —
Anong dilihensiya rito? Di naman jueteng ito, walang “kickback” o payola

Hoy GMA ingat lang baka madapa ka madapa ka

Ilan na bang kasapi ng Bayan Muna, Gabriela, Anakpawis ang pinatay ng teroristang
Estado?
Sina Sherlyn Cadapan, Karen Empeño, Jonas Burgos — saang tatsulok sila itinago?

Hoy GMA madapa ka Ay naku nagwawala

Kamakilan lamang dinukot si Berlin Guerrero, UCCP pastor, sa Biñan, Laguna
Di pa tuyo ang putik sa puntod ng pinaslang na kaibigang si Noli Capulong

Hoy GMA talagang madadapa ka

197 aktibista na ang sapilitang pinagwala, halos 900 ang biktima ng extra-judicial killing —
Wala raw kinalaman ang Estado? Hanggang lumitaw si Lourdes Rubrico, lumalaban

Hoy GMA madapa ka walang biro

Sa kabila ng tatsulok, itatambad at ibabaon ang kabulukan ng rehimeng kriminal —
Sa lakas ng sambayanan matutuklasan ang nawawalang katarungan —

Hoy GMA madapa ka sapilitan ka ring mawawala

Inilathala ng
(Bulatlat.com)

 Save as PDF

BE A BULATLAT PATRON

A community of readers and supporters that help us sustain our operations through microdonations for as low as $1.

ADVERTISEMENT

0 Comments

Submit a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Pin It on Pinterest

Share This