a
Kailan Uuwi ang Bangkay ni Attorney Pahilga?
Published on Nov 4, 2006
Last Updated on Feb 5, 2011 at 9:01 am

ADVERTISEMENT

Katotohanan na namumuhay tayo sa walang panahong pagkatakot at karahasan. Katotohanan na patuloy ang pag-igting ng pasismo ng estado, sa suporta ng imperyalismo ng U.S. Katotohanan na lahat naman tayo ay mamamatay. Katotohanan na ang tunay na buhay ay sa pakikibaka. Katotohanan na kaisa ng indibidwal na nakikibaka ang masa at kilusang kanyang ibinabaka.

NI ROLAND TOLENTINO
Bulatlat.com

Kinilabutan ang pamilya ni Jobert Pahilga sa tanong ng isang tambay sa tiyahin nito. Uuwi naman talaga si Pahilga para sa anibersaryo ng kamatayan ng kanyang ama. Si Pahilga ang executive director ng SENTRA (Sentro para sa Tunay na Repormang Agraryo) at humawak na ng mga 100 kaso hinggil sa problema sa lupa sa iba’t ibang probinsya. Kasama ang SENTRA sa mga grupo ng abugado na minataan ng militar dahil sa pagrepresenta sa mga kliyente mula sa iba’t ibang organisasyon na kundi pinatay, inabduk, inaresto at dineteyn. Sa katunayan, simula 2001, 17 abugado at hukom na ang pinaslang.

Katotohanan na namumuhay tayo sa walang panahong pagkatakot at karahasan. Katotohanan na patuloy ang pag-igting ng pasismo ng estado, sa suporta ng imperyalismo ng U.S. Katotohanan na lahat naman tayo ay mamamatay. Katotohanan na ang tunay na buhay ay sa pakikibaka. Katotohanan na kaisa ng indibidwal na nakikibaka ang masa at kilusang kanyang ibinabaka.

Kung….
Ang paruparo ay nakakapanlasa sa pamamagitan ng kayang paa

Ang quack ng bibi ay hindi umaalingawngaw at walang may alam kung bakit

Ang sampung minuto ng buhawi ay nagluluwal ng mas maraming enerhiya kaysa lahat ng nukleyar na pandigmang kagamitan

Ang pangkaraniwang takot ay sa gagamba pa at hindi sa kamatayan

Ang 90 porsyento ng taxi sa New York ay minamaneho ng bagong dating na imigrante

Ang 35 porysento ng mga tao ay gumagamit ng personal na ads para makapag-date
Ang elepante ang tanging hayop na hindi nakakalundag

Ang isang tao lamang sa dalawang bilyon ang mabubuhay ng 116 taon o mas matanda pa

Ang direksyon na pwedeng ipastol ang baka ay pataas ng hagdanan pero hindi pababa

Ang kababaihan ay dalawang beses ang dami ng pagkurap kaysa sa kalalakihan

Ang pisikal na imposibilidad ay ang halikan ang sariling siko

Ang Main Library ng Indiana University ay lumulubog nang isang pulgada kada taon dahil nang ginawa ito, nakalimutan ng mga inhinyero na ilahok ang timbang na lahat ng mga librong pupuno rito

Ang suso ay maaring matulog nang tatlong taon

Ang “month” ang tanging salita sa ingles na walang tugma

Ang ating mga mata ay pareho ang laki simula pa pagkasilang pero ang ating ilong at tainga ay hindi tumitigil ng paglaki

Ang silya elektrika ay inimbento ng isang dentista

Ang lahat ng polar bears ay gumagamit sa pangunahin ng kaliwang paa

Ang mga pari sa lumang Egypt ay tinatanggal ang lahat ng buhok sa katawan, kasama ang pilikmata at kilay

Ang mata ng ostrich ay mas malaki sa utak nito

Ang “typewriter” ang pinakahabang salita na maaring imakinilya nang gumagamit ng isang hanay lamang sa keyboard

Ang “Go” ang pinakamaikling pangungusap sa Ingles

Ang tunay na sukat ng katawan kung tao si Barbie ay 39-23-33, at ito ay may taas na seven feet, two inches

Ang buwaya ay hindi kayang ilabas ang kanyang dila

Ang lighter ay mas nauna pang naimbento kaysa sa posporo

Ang mga Amerikano ay pangkaraniwang kumakain ng 18 ektaryang pizza araw-araw

Halos lahat ng bumabasa nito ay magtatangkang dilaan ang kanilang siko.

Kung magkagayon….

Langhapin ang pawis at iba pang amoy ng kahanay sa kilos-protesta

Damhin ang kolektibong pakikibaka

Kumain ng fishball, nilagang mais o inihaw na pusit

Tunghayan ang liyab ng sanlibong kandila o sulo

Umindayog sa oyayi ng mga agit

Kunan ng litrato sa isip ang mga nakikiisang masa

Gunitain ang mga mukha ng mga mahal sa buhay

O ordinaryong buhay na makakadaupang palad sa bawat araw

Araw-araw ay umuuwi sa piling ng pakikiisa.
(Bulatlat.com)

 Save as PDF

BE A BULATLAT PATRON

A community of readers and supporters that help us sustain our operations through microdonations for as low as $1.

ADVERTISEMENT

0 Comments

Submit a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Pin It on Pinterest

Share This