a
Published on Nov 16, 2020
Last Updated on Nov 17, 2020 at 5:47 pm

ADVERTISEMENT

ni Mark Angeles

Kanina, hindi ko sinasadyang iangat ang tasa
Nang hindi nakapikit, para bang pagsilip
Nang direkta sa mata ng bagyo.
Nakita ko ang kapeng biglang umalimpuyo.
Nakita ko ang pagtaas ng bahang may putik,
Kaladkad ang anumang naitumba ng hangin.
Nakita ko ang mga humihingi ng saklolo.
Nakita ko ang mga hindi makahingi ng saklolo.
Nakita ko ang mga guho nang gulugod ng mga bundok
Dahil sa mga kapitalista’t politikong gabundok ang kasakiman.
May kuryente na rito, malinaw na ang tubig,
Naayos na ang butas sa bubong,
Hindi pawala-wala ang internet,
Pero ayaw mawala ang ligalig kahit
Sa paghigop ng kape.
Ginigising ako ng tawag ng konsensiya.
Ginigising ako ng tawag na laliman ang bulsa.
Ginigising ako ng tawag ng hustisya.

(Bulatlat.com)

 Save as PDF

BE A BULATLAT PATRON

A community of readers and supporters that help us sustain our operations through microdonations for as low as $1.

ADVERTISEMENT

0 Comments

Submit a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Pin It on Pinterest

Share This