a
Isang eksena
Published on Nov 6, 2014
Last Updated on Nov 7, 2014 at 7:45 am

ni RAYMUND B. VILLANUEVA
Bulatlat.com

Ito’y isang nakakabagabag na tagpo:
Oras ng tanghalian sa likod ng munisipyo
Nagbibidahan ang kumakain sa tabi ko
Isang kontratista at isang inhinyero.

Nanalo raw ng proyekto ang kontratista
Mangyari’y kaibigan ang isang konsehala
Bukas na bukas di’y magbubutas ng kalsada
Sabay subo sa masarsa niyang kaldereta

Di nagpadaig ang kaibigang inhinyero
Na ang inorder nama’y masabaw na bulalo
Aniya’y apat na milyong halaga ng semento
Pagkaulat niya’y himalang naging walo.

(Sabay tawa, sabay subo
Sabay subo, sabay tawa.)

Napansin ko sa sulok ng karinderya
Nakikinig ang kusinerong nagpapahinga
Matalim ang titig sa ating mga bida
Basa ko ang naiisip sa kanyang mga mata.

Sa susunod na araw ako’y lilipat muna
Ng makakainan ng tanghalia’t miryenda
Hindi na ako magugulat at magtataka
Kung mabalitang nalason ang dalawa.

(Sabay tawa, sabay subo
Sabay subo, sabay tawa.)

-2:10 n.h.
6 Nobyembre 2014
Brgy Central, Lungsod Quezon

SUPPORT BULATLAT.

BE A PATRON.

A community of readers and supporters that help us sustain our operations through microdonations for as low as $1.

Ads

0 Comments

Submit a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Pin It on Pinterest

Share This