a
Liham sa lahat ng nanlait sa mga rallyista sa Sona
Published on Jul 25, 2012
Last Updated on Jul 25, 2012 at 11:47 am

ADVERTISEMENT

Ni Joi Barrios

Kumusta naman ang iyong kape sa umaga,
Habang nanonood o nagbabasa ng balita,
Sa mga naganap sa huling SONA?

A, oo, isisi natin ang lahat sa raliyista.
Isisi natin ang trapik, nasirang gamit,
Dumi sa kalyeng hindi nailigpit.
Oo, pati kasawain natin sa pag-ibig.

Isisi natin ang lahat sa rallyista,
Pati ang ating pamamanhid
Sa duguang mukha
At walang awang pananakit.

At bakit hindi?
Ikulong natin sila sa mga kataga:
Maingay na aktibista,
Komunistang mapula.

Ituloy natin ang pagmamaang-maangan,
At ang ating pananahimik
Sa bawat pagdukot at pagpaslang.

Pagkat makapangyarihan ang mga salita:
Maingay ang aktibista,
Mapula ang komunista,
Salot silang lahat, lipuling ganap.
Limutin ang ugat ng paghihirap
At ang pasismong lalong nagtutulak
Sa mamamayan na mag-aklas.

Huwag hayaang ang kape ay lumamig,
Mainam raw iyan sa puso mong nag-uumapaw ang galit,
Sa rallyistang sa kalye ay hindi mawalis-walis. (https://www.bulatlat.org)

SUPPORT BULATLAT.

BE A PATRON.

A community of readers and supporters that help us sustain our operations through microdonations for as low as $1.

ADVERTISEMENT

0 Comments

Submit a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Pin It on Pinterest

Share This