a
Higanteng Doodles sa Commonwealth Highway
Published on Apr 4, 2009
Last Updated on Apr 4, 2009 at 5:56 pm

ADVERTISEMENT

At itong stasyon ng antayan?  Sa pagpasok, halimbawa, sa Don Antonio, mayroong itinayong stasyon para sana sa pag-antay ng jeep.  Permanente itong struktura kaya kahit hindi ginagamit, nakaharang sa daan.  At mayroon pang isa sa susunod na pedestrian overpass na, dahil sa tumal ng dumadaan, ay wala ring silbi sa nakakaraming mamamayan.

At mismong pedestrian overpass ng MMDA ay hindi akma sa sukat.  Hindi nga ba’t klepto ang MMDA sa paggawa ng highway?  Parang mauubusan kaya, tulad sa Quezon Boulevard, ay walang katapusan ang pagpapalawak ng kalsada?  Pero ang tinayo nila mismong overpass ay hindi akma sa sukat ng pinalalawak na kalsada.  Bigla na lamang, sa kalagitnaan ng pagmamaneho, kapag nagilid ka, kailangan mong huminto dahil ang lane ay nahaharangan ng akyatan ng overpass.

Hindi pa isinasaalang-alang dito ang walang ugnay na kulay na pink at blue!  Doodles na linya, doodles na konstruksyon.  Bakit ang turing ni Gloria Arroyo, ang pumili kay Fernando, at sa MMDA ay spoiled brat?  Kung ano ang maisip, yon na.  Hindi ako magtataka kung ilang buhay na ang nawala dahil sa experimentasyon ni Fernando at MMDA.

Hindi rin ako magtataka kung ilang milyon na ang natatapon ng MMDA sa ngalan ng experimentasyong ito.  Pasaway ang MMDA at si Fernando.  At dahil hindi sila sinasaway, hindi ba’t ang pinakamalaking pasayaw at spoiled brat ay mismong si Arroyo?  Na siya mismo ay walang rhyme or reason sa kanyang pagmaniobra sa kanyang mga kaso kundi ang tanging proteksyon ng kanyang interes na makatapos ng term, at lampas pa rito?

Kung pinapaligiran ang Reyna Pasaway ng lupon ng pasaway, ang pamumuno ng MMDA, ni Fernando at ang bosing nitong si Arroyo ay may pagturing ng kagandahan (pa-pogi sa kaso ni Fernando).  Ibig sabihin, tila utang na loob pa ng mamamayan na sila ang namumuno sa kung anong old old west na kalakaran!  Pasaway ang pambansang kalakaran ng administrasyon at serbisyo publiko.

At dahil sa continuity ng imeldific na proyekto ng diktaduryang Marcoses, necessarily ay megalomaniac din ang sumunod na henerasyon ng namumuno.  My gad, hindi pa ba tayo nasusuka sa mga higanteng tarpaulin ng kanilang mga mukha bilang may-akda at awtoridad ng proyektong itinataguyod?  Lalo na itong phinoto-shop na tandem nina Arroyo at Fernando sa ika-30 anibersaryo ng MMDA at ang kondensasyon ng mga proyekto ng urban renewal sa iba’t ibang nagdarahop na espasyo?

Hindi minamaneho at tinatawid ang Commonwealth Highway, binabaybay ito.  Biglang liko, biglang pihit, biglang kaskas para makaabot sa unang kanto, biglang preno.  Biglaan ang reaksyon ng mga tao sa pasaway na administrasyon.  Pabigla-bigla pero napapasunod, gayon pa man.  Kaya turing sa ganitong pagbaybay ay machismo.  Kailangang umarangkada, biglaan at tiyak dapat ang pihit.  Hindi pwedeng magpabandying-bandying.

 Save as PDF

BE A BULATLAT PATRON

A community of readers and supporters that help us sustain our operations through microdonations for as low as $1.

ADVERTISEMENT

1 Comment

  1. lol

    ano yung doobles? hahaha

    Reply

Submit a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Pin It on Pinterest

Share This