a
Higanteng Doodles sa Commonwealth Highway
Published on Apr 4, 2009
Last Updated on Apr 4, 2009 at 5:56 pm

ADVERTISEMENT

Matapos ng flyover na ito, patungong Fairview, bigla na namang may putting pintura na nagmamarka ng apat na lanes para sa u-turn sa kalayuan.  Inaasahan ba ng MMDA at ni Fernando na hindi dapat gamitin itong kalahati ng kalsada?  Bakit pa ginawa ito kung gayon?

Ang nakakagulat sa u-turn slot ay ang kalapitan nito sa unang pakanan na kalsada.  Sa tantya ko 200 metro lang ito na hindi nakakasapat para maka-crisscross ang nagmamaneho sa kanyang kanto.  Nagmamadali, at malimit mas nagmamadali ang dumidiretso sa highway.  At sa kamamadali ng dalawang sasakyan, deadly ang salpukan.

Madalas pa, pabago-bago ang u-turn slot.  Sa di mawaring dahilan, parang bigla na lamang gumising ang MMDA at naisip na ilipat naman ang slot.  Pati ang linya, gayon din.  Mayroong putol-putol na linya sa ilang bahagi ng highway, gayong wala naman sa mas delikadong bahagi.  Ano ba talaga, Kuya?  Bakit ginagawang kumplikado ang buhay?

Ang remedyo ng MMDA, tulad sa Kalayaan-C-5 intersection ay gumawa ng permanenteng u-turn slot na sa pagiging tuwid ay walang konsiderasyon sa natural na pagkurba ng nag-u-u-turn na sasakyan.  Kaya ingat sa katabing nag-u-u-turn o gilid na kongkreto ng elevated na u-turn slot.  Tanging sa Pilipinas ko ito nakita.  At ang buong kalsada ng Metro Manila ay isang malaking experimentasyon ng MMDA.

Ang ipinagbubunyi ng MMDA sa Commonwealth ay ang interfacing ng bikers, pedestrian at sasakyan na bahagi ng kalsada.  Ito iyon anim na buwan lamang ang nakararaan.  At nagawa naman ito sa stretch ng UP.  Matapos nito, no man’s land na naman ang mga siklista, pedestriano at driver.  Matapos naman, kamakailan, bigla na namang naisip na tanggalin ang bike at pedestrian lanes at gawin na lamang itong bahagi ng highway.

At mahilig magpaubaya ang UP sa anumang gawin ng MMDA.  Libre pabakod kasi sa Balara na seksyon ng kampus.  Ipinagpaubaya na rin ng UP ang Ripada sa gagawing pagdiretso ng C-5 lampas sa Commonwealth at diretso sa Novaliches.  Overpass ang tugon ng karibal ng MMDA, ang Department of Public Works and Highways.  Pero MMDA ang nasusunod.

Doodles ang buong highway.  Mayroon at maraming seksyon ang namumutiktik sa kung ano-anong linya.  Parang pinaglalaruan ang kalsada, at siempre ang gumagamit nito:  driver, pasahero, siklista at pedestriano.  Huwag pang isaalang-alang ang haphazard na konstruksyon ng MMDA.  Basta sablay, natitiyak nating ito ay isa na namang MMDA production.

Sablay ang pedestrian overpass.  Bigla na lamang matatagpuan ng pedestriano na nasa gitna siya ng highway.  At para makatungo sa sidewalk, kailangan niyang tumawid sa mismong highway.  Saan ka nakakita ng pedestrian overpass na hindi ka ilalapag sa sidewalk?  Na kailangan mong tumawid ng ilang lanes para makatungo sa overpass, makatawid o makapag-antay ng sasakyan?

 Save as PDF

BE A BULATLAT PATRON

A community of readers and supporters that help us sustain our operations through microdonations for as low as $1.

ADVERTISEMENT

1 Comment

  1. lol

    ano yung doobles? hahaha

    Reply

Submit a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Pin It on Pinterest

Share This