a
Sagana Raw ang Buhay
Published on Jan 5, 2008
Last Updated on Feb 4, 2011 at 9:45 pm

ADVERTISEMENT

NI PAPA OSMUBAL
Inilathala ng Bulatlat
Vol. VII, No. 47, January 6-12, 2007

Sagana raw ang buhay
at hibla lamang ng alamat ang gutom.

Iyan lagi ang matibay na haka-haka
ni Aling Gloria na kasinglusog ng elepante
na kung makita mo naman masasabi mo
na hindi nga kulang ang biyaya sa mundo.

Hindi niya batid na hindi lahat
ay kayang kumain sa kaniyang restoran.
Di niya dama ang hapdi sa sikmura ng mga pulubi
na nakatalungko sa tapat ng kanyang restoran.

Makitid pa kesa puit ng baboy
ang kanyang pag-iisip.

Inilathala ng (Bulatlat.com)

 Save as PDF

BE A BULATLAT PATRON

A community of readers and supporters that help us sustain our operations through microdonations for as low as $1.

ADVERTISEMENT

0 Comments

Submit a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Pin It on Pinterest

Share This