Sa Kidapawan
Ni MARVIN LOBOS Nagtanim kami Ng lakas-ng-loob Ng baka-sakali Sa burak Na napaglubugan na halos Ng kaliwa naming paa. Doon Hindi mo na makikilala Ang aming pawis Libag Luha Dugo Pagkat pinag-isang dibdib na mga iyon Ng aming lunggati Sa dalisay na tubig at putik...