a
Si Hesukristo noon at ngayon
Published on Apr 1, 2026
Last Updated on Apr 10, 2026 at 6:00 pm

ADVERTISEMENT

Ni Julie L. Po
Bulatlat.com

Kinakatawan ni Hesukristo ang batayang mga sektor ng lipunan. Ipinagtanggol niya ang karapatan ng bawat isa na mabuhay ng disente at matiwasay, at makibahagi sa biyaya ng kalikasan na nilikha ng Diyos para sa buong sangkatauhan.

Nangahas siyang ilantad ang mga mali sa lipunan—ang pang-aabuso at pang-aapi ng uring naghahangad maghari sa kapwa at angkinin ang mga lupain at bunga ng kalikasan. Nag-organisa siya upang maipalaganap ang tamang kaisipan at mahikayat ang mga tao na kumilos upang baguhin ang isang kaayusang di-makatarungan kung saan iilan lamang ang nakikinabang.

Dahil dito, si Hesukristo ay itinuring na banta ng mga naghaharing uri (sa salita ngayon, siya ay ni RED-TAG). Ayaw nilang mabago ang sistema —isang sistemang ginagamit upang gapiin ang isip at katawan ng mga mamamayan at dambungin ang mga kayamanang nilikha ng Diyos.

Nang sa ganun, si Hesukristo ay nilitis ng hukuman na hawak ng mga naghaharing uri. Siya ay nilait, hinatulan, at pinatawan ng kamatayan.

Ang huling Estasyon ng Daang Krus (#14) ay Ang Muling Pagkabuhay, nagpapahiwatig ng pag-asa. Sa gitna ng matinding krisis na kinakaharap natin ngayon, tulad ni Hesukristo, kailangan natin ng matibay na paninindigan, sakripisyo, at paghawak sa pag-asa para sa isang mas makatarungan at mapayapang kinabukasan ng sangkatauhan.

Sana’y ang ating pagninilay ngayong Semana Santa ay magbigay sa atin ng lakas at determinasyon upang ipagpatuloy ang diwa ng kanyang pakikibaka para sa katarungan, pagmamahal, at buhay na ganap para sa lahat. xxx

LINGGO NG PALASPAS
Semana Santa 2026, Lemery, Batangas. Marso 29, 2026

Ikinagalak ng Linangan ng Kulturang Pilipino (LKP) na makibahagi sa paggunita ng Semana Santa 2026, sa Lemery Batangas, sa pangunguna ng SAGIPiN Save Pansipit River Network, isang samanahan ng mga mamamayang nagmamahal sa kalikasan. Bukod sa LKP, nakipagtulungan rin ang Redemptorist Missionaries, Seniors Kontra Kurakot (SKK), Surian sa Sining (SuSi) at iba’t-ibang pang mga grupo. Ngunit tampok sa kalahok ay ang mga mamamayan ng komunidad.

Layunin nito ang pagsasabuhay ng tradisyon ng Istasyon ng Krus na nakalapat sa kasalukuyang kalagayan ng taumbayan. Itinayo ang mga Estasyon sa harap ng mga bahay sa kahabaan ng baybayin ng Balayan Bay. Ang huling estasyon ay sa lugar kung saan nagtatagpo ang dagat at Pansipit River.

(Ang Ilog Pansipit ay ang natatanging lagusan ng tubig ng Taal Lake at sumasanib sa Dagat Balayan na tumatagos sa Dagat Tsina. Tahanan ito ng isdang Maliputo (giant trevally) at Tawilis (freshwater sardines/herring). Kinukupkop din nito ang libong pamilya sa palibot ng kanyang baybayin at pampang.)

Salamat kay Gina ng SAGiPIN at SKK sa mahigpit na koordinasyon sa LKP kayat nasagot ng huli ang kanyang papel na paggawa ng Filipinized stations of the cross.  Sa taas ay ang unang estasyon.

Marso 28, 2026: Nagturo si SKK Bani ng Palaspas-Making. Ginanap sa opisina ng SAGiPIN, sa Lemery.

Tumulong sina Grundy, Rose, Jon, Ghay (LKP/SuSi) sa paggawa ng mga props na gagamitin sa pagsasadula ng Daang Krus sa Huwebes Santo, Abril 2, 2026.

Mas maagang nag-workshop, sa pangunguna ni Lito Mondejar, ang mga taga-komunidad para gawin ang frames at iba pang gayak ng mga Estasyon.

28Mar2026/ Linggo ng Palaspas

Ika-labing apat na Estasyon: Ang Muling Pagkabuhay

Espesyal na pasasalamat kina Fr. Teody at Fr Oliver sa kanilang buong pusong pagsuporta sa aktibidad na ito. Gayundin sa Redemptorist Missionaries sa pagsusulong ng Laudato Si’ ng Santo Papa Francisco “On Care for Our Common Home” bilang mga “stewards of environment”, sa ilalim ng kanilang programang Justice, Peace & Integrity of Creation (JPIC).

 Save as PDF

BE A BULATLAT PATRON

A community of readers and supporters that help us sustain our operations through microdonations for as low as $1.

ADVERTISEMENT

0 Comments

Submit a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Pin It on Pinterest

Share This