a
Ang Paskong Mahal ng Unibersidad ng Pilipinas
Published on Dec 24, 2006
Last Updated on Feb 5, 2011 at 7:40 am

ADVERTISEMENT

Kung tradisyong makulay ang Lantern Parade bilang pagpapahayag ng kasiyahan tuwing pagsapit ng Pasko, mas tradisyon ng Lantern Parade ang maging lunsaran ng tradisyong protesta’t progresibo. Tulad ng Oblation March ng Alpha Phi Omega (APO) fraternity, nalalangkapan ng pulitikal at panlipunang isyu ang Lantern Parade. Ilang beses nang naging larang ito ng panunudyo at pag-asinta sa mga anti-mamamayan at anti-estudyanteng palisiya ng mga rehimeng lokal at pambansa at maging ng imperyalismo. Kaya nang lumabas ang memo mula sa Executive Committe, nalungkot at nagalit ang mga mamamayan ng komunidad ng U.P., laluna ang mga mag-aaral ng College of Fine Arts na literal na ikinulong ng kanilang dekano at ilang mga propesor sa kanilang mga klasrum. Kahit na nagpasiya na ang karamihan ng mga mag-aaral ng Fine Arts (na gumastos ng humigit-kumulang P2,000 to P4,000 kada estudyante para sa kani-kanilang mga lantern), sinabihan sila ng mga maka-Roman na guro na kung ipipilit nilang ituloy ang Lantern Parade ay ibabagsak sila. Hinarang pa ng mga tusong gurong ito ang mga mag-aaral na gustong magparada. Hinarangan ang tarangkahan ng kolehiyo, at humarang sa mga pinto ng mga klasrum. Bitbit din ng maraming mag-aaral ng College of Fine Arts ang pagtutol sa pagtaas ng matrikula.

Kung hindi ito malinaw na panlilinlang at pagsikil sa karapatan ng mga miyembro ng komunidad ng U.P., baka tama ang Tang Grape na gawing violet ang kulay ng Pasko at hindi ang nag-aalab na pula. Pula pa rin ang pinakakulay ng pasko. Nakakuyom na pula! Sabi nga ni Student Regent Raffy Sanchez sa kaniyang text message kay Roman matapos aprubahan ang TFI, “Masaya na kayo?! Humanda kayo sa January!” Ayan, masaya ka na, Roman, may ipangwawaldas ka na sa taunang paskong mahal sa U.P. dahil sa mga ilaw mo. Sa susunod na Pasko, gawin mo nang krismas tree, lagyan mo ng maraming burloloy at ilaw ang napakalaki mong buhok. Gastusin mo ang pagtataas ng matrikula para sa pagkukulot mo ng katotohanan.Inilathala ng Bulatlat

 Save as PDF

BE A BULATLAT PATRON

A community of readers and supporters that help us sustain our operations through microdonations for as low as $1.

ADVERTISEMENT

0 Comments

Submit a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Pin It on Pinterest

Share This