a
20 Good Reasons to be ‘Pinoy’ (Thought Balloons, Unang Bahagi)
Published on Nov 12, 2006
Last Updated on Feb 5, 2011 at 7:44 am

ADVERTISEMENT

Kung iginagalang itong makulay na mundo ng pagka-Filipino, bakit naghihikahos ang driver at pasahero sa loob nito? Trip down memory lane tayo: magkano ang pamasahe mo noong sumasakay ka ng jeep, at sa ikot noong nag-aaral ka sa UP? Magkano na ang pamasahe ngayon?
NI ROLAND TOLENTINO
Bulatlat

1. Merienda. Where else is it normal to eat five times a day?
Ayon sa pinakahuling Social Weather Station Survey (Oktubre 2006), 16.9 porsyento ng mga Filipino ay dumanas ng pagkagutom sa nakaraang huling tatlong buwan, katumbas ng 2.9 milyong tahanan, o mga kulang ng 20 milyong katao. Kailan ka huling nagmerienda?

2. Sawsawan. Assorted sauces that guarantee freedom of choice, enough room for experimentation and maximum tolerance for diverse tastes.
Favorites: toyo’t calamansi, suka at sili, patis.
“Sawsawan ng bayan” ang tawag sa mga babaeng pakawala. Ang pinakamababang bilang ng dami ng babaeng sex worker sa bansa ay 300,000, at may 75,000 na mga batang ipinapangalakal ang kanilang katawan.
Paboritong lugar: Olongapo, Angeles, Quezon Boulevard, Pasay

3. Kuwan, ano. At a loss for words? Try these and marvel at how Pinoys understand exactly what you want.
Galing kaya ito sa Kastilang “cuando” (kailan)? Kung gayon, hanggang kailan pa, saan nagwawakas ang kailan, saan hahantong ang kailan? Hanggang kailan mananatiling ganito ang ganitong sitwasyon?

4. Pinoy humor and irreverence. If you’re api and you know it, crack a joke. Nothing personal, really.
Kapag nagkamali ka, nakabangga ka, nakapatay ka, nakatalisod ka, tumawa ka. Ang pinakamalaking joke ay wala kang tinatawanan maliban ang sarili mong kahibangan. Kapag mas malaganap ang mga biro tungkol sa politika, mas nabubunyag ang krisis. Halinang sabayang tumawa.

5. Tingi. Thank goodness for small entrepreneurs. Where else can we buy cigarettes, soap, condiments and life’s essentials in small affordable amounts?
Ito ang ipinagyayabang na “sachet marketing strategy” na kasama ang pagbenta ng SMS at airtime service sa cellphone at nakapagpaabot sa 45 porsyento ang market saturation ng Smart. Kasama na ang pasa-load sa sistemang tingi—isang piraso ng bawang, kalahating kamatis, shampoo na lampas sa isa pero kulang sa dalawang gamit, at iba pa.

6. Spirituality. Even before the Spaniards came, ethnic tribes had their own anitos, bathalas and assorted deities, pointing to a strong relationship with the Creator, who or whatever it may be.
Bansa ng esperitista, sinasapian ng Santo Niño, Mariang Sinukuan, Birheng Maria, at iba pa. Hindi pa kasama rito ang opisyal na mga sandamakmak na estatwa ng Manaoag, Antipolo, Nazareno, Apo sa Naguilian, Apo sa Paoay.

7. Po, opo, mano po. Speech suffixes that define courtesy, deference, filial respect — a balm to the spirit in these aggressive times.
Makibaka po. Huwag pong matakot. Welga po kami. Walkout po tayo sa klase.

8. Pasalubong. Our way of sharing the vicarious thrills and delights of a trip, and a wonderful excuse to shop without the customary guilt.
Ah, pero sa mga Romano, mag-ingat sa Griyegong may bitbit na pasalubong!

9. Beaches! With 7,000 plus islands, we have miles and miles of shoreline piled high with fine white sand, lapped by warm waters, and nibbled by exotic tropical fish. From the stormy seas of Batanes to the emerald isles of Palawan — in the Philippines, life is truly a beach.
Una, high tide o low tide?
Ikalawa, oil spill sa Guimaras? Hello?
Ikatlo, pagbenta ng gobyerno ng commercial rights ng mga lupain sa Boracay?

10. Bagoong. Darkly mysterious, this smelly fish or shrimp paste typifies the underlying theme of most ethnic foods: disgustingly unhygienic, unbearably stinky and simply irresistible.
Sa edad ng globalisasyon, ang tayo, bagoong at patis ay mas murang angkatin mula sa Thailand.

11. Bayanihan. Yes, the internationally-renowned dance company, but also this habit of pitching in still common in small communities. Just have that cold beer and some pulutan ready for the troops.
Una, mabuhay ang natitirang kaunting grupo na nagsasayaw ng tinikling at singkil sa bansa! Kahit nabura na ang panlipunang kontexto nito ay patuloy pa rin para sa halina ng turismo.
Ikalawa, 40 porsyento ng nakatira sa syudad ay nakatira sa squatter, 34.4 porsyento ng kabuuang populasyon ng bansa.

 Save as PDF

BE A BULATLAT PATRON

A community of readers and supporters that help us sustain our operations through microdonations for as low as $1.

ADVERTISEMENT

0 Comments

Submit a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Pin It on Pinterest

Share This