a
Ano ang Kaibahan ng Sugat sa Pilat?
Published on Sep 19, 2009
Last Updated on Sep 21, 2009 at 9:37 pm

ADVERTISEMENT

Ni GERRY ANDAMO
Inilathala ng (Bulatlat.com)

Ang sugat ay maghihilom na pilat
Ang pilat ay gumagaling na sugat.

Ang pilat ay nangangahulugang minsa’y may sugat
Ang sugat ay nagbabadyang sa hinaharap ay may pilat.

Makirot, mahapdi ang sariwang sugat
Ang pilat ay hindi umaantak

Sabi ng iba’y iwasang magkasugat
Pagkat higit na masakit ang gamot na panlunas

Tunay ngang mahapdi ang tintura de yodo
Ngunit maigi na rin ang umukit sa takbo ng mundo.

Ang sugat ay karanasan ng pagpapanuto
Ang pilat ay kasaysayan at pagkakatuto.

Mga naiwang pilat ay matamis na alaala
Ng walang maliw na PAKIKIBAKA!

(Inilathala ng Bulatlat)

 Save as PDF

BE A BULATLAT PATRON

A community of readers and supporters that help us sustain our operations through microdonations for as low as $1.

ADVERTISEMENT

1 Comment

  1. Richard Gappi

    maganda at magaling ang tulang ito. – gappi

    Reply

Submit a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Pin It on Pinterest

Share This