Pagdiriwang ng Earth Day, pagdiriwang sa kabayanihan ng mamamayan

Tuwing ika-22 ng Abril ipinagdiriwang ang Earth Day, pandaigdigang selebrasyon ng kalikasan at kapaligiran. Sa bahagi naming mga maka-kalikasang aktibista ng Kalikasan People’s Network for the Environment, kinakatampukan ang Earth Day ng samut-saring mga aktibidad sa buong bansa upang itambol ang mga mahahalaga at matatampok na isyung pangkapaligiran na kinakaharap ng mamamayan.