This story
was taken from Bulatlat, the Philippines's alternative weekly
newsmagazine (www.bulatlat.com).
Vol. VI, No. 39,
Nov. 5-11, 2006
DAGLI SA KRISIS*
20 Good Reasons to be ‘Pinoy’ (Thought Balloons, Unang Bahagi)
1. Merienda. Where else is it normal to eat five times a day?
Ayon sa pinakahuling Social Weather Station
Survey (Oktubre 2006), 16.9 porsyento ng mga Filipino ay dumanas ng pagkagutom
sa nakaraang huling tatlong buwan, katumbas ng 2.9 milyong tahanan, o mga kulang
ng 20 milyong katao. Kailan ka huling nagmerienda?
2. Sawsawan. Assorted sauces that guarantee freedom of choice, enough room for
experimentation and maximum tolerance for diverse tastes.
Favorites: toyo't calamansi, suka at sili, patis.
“Sawsawan ng bayan” ang tawag sa mga babaeng pakawala. Ang pinakamababang bilang ng dami ng babaeng sex worker sa bansa ay 300,000, at may 75,000 na mga batang ipinapangalakal ang kanilang katawan.
Paboritong lugar: Olongapo, Angeles, Quezon
Boulevard, Pasay
3. Kuwan, ano. At a loss for words? Try these and marvel at how Pinoys
understand exactly what you want.
Galing kaya ito sa Kastilang “cuando” (kailan)?
Kung gayon, hanggang kailan pa, saan nagwawakas ang kailan, saan hahantong ang
kailan? Hanggang kailan mananatiling ganito ang ganitong sitwasyon?
4. Pinoy humor and irreverence. If you're api and you know it, crack a
joke. Nothing personal, really.
Kapag nagkamali ka, nakabangga ka, nakapatay ka, nakatalisod ka, tumawa ka.
Ang pinakamalaking joke ay wala kang tinatawanan maliban ang sarili mong
kahibangan. Kapag mas malaganap ang mga biro tungkol sa politika, mas
nabubunyag ang krisis. Halinang sabayang tumawa.
5. Tingi. Thank goodness for small entrepreneurs. Where else can we buy
cigarettes, soap, condiments and life's essentials in small affordable amounts?
Ito ang ipinagyayabang na “sachet marketing strategy” na kasama ang
pagbenta ng SMS at airtime service sa cellphone at nakapagpaabot
sa 45 porsyento ang market saturation ng Smart. Kasama na ang pasa-load
sa sistemang tingi—isang piraso ng bawang, kalahating kamatis, shampoo na
lampas sa isa pero kulang sa dalawang gamit, at iba pa.
6. Spirituality. Even before the Spaniards came, ethnic tribes had their own
anitos, bathalas and assorted deities, pointing to a strong relationship with
the Creator, who or whatever it may be.
Bansa ng esperitista, sinasapian ng Santo Niño,
Mariang Sinukuan, Birheng Maria, at iba pa. Hindi pa kasama rito ang opisyal na
mga sandamakmak na estatwa ng Manaoag, Antipolo, Nazareno, Apo sa Naguilian, Apo
sa Paoay.
7. Po, opo, mano po. Speech suffixes that define courtesy,
deference, filial respect -- a balm to the spirit in these aggressive times.
Makibaka po. Huwag pong matakot. Welga po
kami. Walkout po tayo sa klase.
8. Pasalubong. Our way of sharing the vicarious thrills and delights of a
trip, and a wonderful excuse to shop without the customary guilt.
Ah, pero sa mga Romano, mag-ingat sa Griyegong
may bitbit na pasalubong!
9. Beaches! With 7,000 plus islands, we have miles and miles of shoreline piled
high with fine white sand, lapped by warm waters, and nibbled by exotic tropical
fish. From the stormy seas of Batanes to the emerald isles of Palawan -- in the
Philippines, life is truly a beach.
Una, high tide o low tide?
Ikalawa, oil spill sa Guimaras? Hello?
Ikatlo, pagbenta ng gobyerno ng
commercial rights ng mga lupain sa Boracay?
10. Bagoong. Darkly mysterious, this smelly fish or shrimp paste typifies
the underlying theme of most ethnic foods: disgustingly unhygienic, unbearably
stinky and simply irresistible.
Sa edad ng globalisasyon, ang tayo, bagoong at patis ay mas murang angkatin
mula sa Thailand.
11. Bayanihan. Yes, the internationally-renowned dance company, but also
this habit of pitching in still common in small communities. Just have that cold
beer and some pulutan ready for the troops.
Una, mabuhay ang natitirang kaunting grupo na nagsasayaw ng tinikling at singkil sa bansa! Kahit nabura na ang panlipunang kontexto nito ay patuloy pa rin para sa halina ng turismo.
Ikalawa, 40 porsyento ng nakatira sa syudad ay
nakatira sa squatter, 34.4 porsyento ng kabuuang populasyon ng bansa.
12. The Balikbayan box. Another way of sharing life's bounty, no matter if it
seems like we're fleeing Pol Pot everytime we head home from anywhere in the
globe. The most wonderful part is that, more often than not, the contents are
carted home to be distributed.
Urban legend: Ang pinakamalaking balikbayan box ang kabaon ng namatay na OCW.
Sa pagtitipid, ang bawat damit, kasama ang sapatos, ay nakalaan para sa iba’t
ibang miyembro ng kamag-anak, kasama ang kung ano pang de-latang corned beef
at Spam, twalya at kobre-kama, sweater at winter jacket na
maisasaksak sa kabaong.
13. Pilipino komiks. Not to mention Hiwaga, Aliwan,
Tagalog Classics, Liwayway and "Bulaklak" magazines. Pulpy
publications that gave us Darna, Facifica Falayfay, Lagalag, Kulafu, Kenkoy,
Dyesebel, characters of a time both innocent and worldly.
Hindi ba, sa titulo pa lang ay nagbibigay-motibo na ng pagtanggap? Maaliw,
mahiwagaan, mahalimuyak, pagbubukang-liwayway. Tila may erotisismo rin. Basahin
din ang mga komiks bilang eros—ang hypersexual na si Darna o ang
bading na si Facifica, madulas na kalamnan ng hubad na Dyesebel—at tingnan ko
kung pareho pa rin ang pagtingin sa Pinoy superheroes na ito.
14. Folk songs. They come unbidden and spring, full-blown, like a second
language, at the slightest nudge from the too-loud stereo of a passing jeepney
or tricycle.
Sa edad ng portable appliance—walkman, diskman, I-pod at MP3 player—ang
kolektibong ingay ng pumapasadang jeep at trisikel (malamang sa probinsya na
lamang dahil bawal na ito sa Metro Manila) o ang pribadong mundo ng pang-indibidwal
lamang na tunog?
15. Fiesta. Eat, drink and be merry, for tomorrow is just another day,
shrugs the poor man who, once a year, honors a patron saint with this sumptuous,
no-holds-barred spread. It's a Pinoy celebration at its pious and riotous best.
Nagsasara nang paisa-isa ang Barrio Fiesta. Madaling kopyahin ang resipi ng
kare-kare at nagde-deliver pa nga sa mga bahay ng crispy pata.
Tingnan din ang thought balloon sa #1.
16. Aswang, manananggal, kapre. The whole underworld of Filipino lower
mythology recalls our uniquely bizarre childhood, that is, before political
correctness kicked in. Still, their rich adventures pepper our storytelling.
Idagdag: berdugo o mga militar at
paramilitary na politikal na pumapaslang,
kabahagi ng komunidad at sa hayagang ginagawa ang pagpaslang.
17. Jeepneys. Colorful, fast, reckless, a vehicle of postwar Pinoy ingenuity
this everyman's communal Cadillac makes for a cheap, interesting ride. If the
driver's a daredevil (as they usually are), hang on to your seat.
Kung iginagalang itong makulay na mundo ng pagka-Filipino,
bakit naghihikahos ang driver at pasahero sa loob nito?
Trip down memory lane tayo: magkano ang
pamasahe mo noong sumasakay ka ng jeep, at sa ikot noong nag-aaral ka sa
UP? Magkano na ang pamasahe ngayon?
18. Dinuguan. Blood stew, a bloodcurdling idea, until you try it with
puto. Best when mined with jalapeño peppers. Messy but delicious.
Ayon sa Karapatan, 778 na ang politikal na pinaslang simula 2001 nang unang
maging pangulo si Gloria Macapagal-Arroyo.
19. Santacruzan. More than just a beauty contest, this one has religious
overtones, a tableau of St. Helena's and Constantine's search for the Cross that
seamlessly blends piety, pageantry and ritual. Plus, it's the perfect excuse to
show off the prettiest ladies -- and the most beautiful gowns.
Noong nag-Santacruzan sa isang community center sa Nagoya, mga 2000,
ipinapaliwanag sa akin ang kahalagahan nitong Flores de Mayo. Ang sinabi ko ay
tungkol ito sa OCW rin, ang matagalan at pursigidong paghahanap at
pagsasakripisyo. Maingay pa rin ang audience at inaantay lamang nila
kung sino ang puputungang Reyna Elena.
20. Balut. Unhatched duck's embryo, another unspeakable ethnic food to
outsiders, but oh, to indulge in guilty pleasures! Sprinkle some salt and suck
out that soup, with gusto.
Kasama ng mga uod, bayag ng baka at tupa, titi ng usa, gagamba at ipis, ang
balut ay naging kabahagi na ng ipinapakain sa kontestants ng yumaong Fear
Factor, isang reality contest na ang batayan ng pagpanalo ay yaong
kayang kumprontahin ang kanilang takot. Bulatlat
(Halaw sa “100 Good Reasons to be ‘Pinoy’” na finorward ni Dr. Robert L. Yoder sa pinoytok@yahoogroups.com, inakses noong 12 Pebrero 2006.)
------------------------------
(Ang maikling kolum na ito ay nasa pormang dagli, na ginamit sa mga diyaryo sa panahon ng kolonyalismo ng US sa Pilipinas. Ang moda ng dagli ay maaaring dedikasyon, malasanaysay o malakatha. Maaari itong magkaroon ng lamang pulitikal na siyang magiging palagiang laman ng kolum na ito.)
© 2006 Bulatlat ■ Alipato Media Center
Permission is granted to reprint or redistribute this article, provided its author/s and Bulatlat are properly credited and notified.