DAGLI SA KRISIS*
20 Good Reasons to be
‘Pinoy’ (Thought Balloons, Unang Bahagi)
Kung iginagalang
itong makulay na mundo ng pagka-Filipino, bakit naghihikahos ang driver
at pasahero sa loob nito? Trip down memory lane tayo: magkano ang
pamasahe mo noong sumasakay ka ng jeep, at sa ikot noong nag-aaral
ka sa UP? Magkano na ang pamasahe ngayon?
NI ROLAND
TOLENTINO
Bulatlat
1. Merienda. Where else is it normal to
eat five times a day?
Ayon sa pinakahuling Social Weather
Station Survey (Oktubre 2006), 16.9 porsyento ng mga Filipino ay dumanas
ng pagkagutom sa nakaraang huling tatlong buwan, katumbas ng 2.9 milyong
tahanan, o mga kulang ng 20 milyong katao. Kailan ka huling nagmerienda?
2. Sawsawan. Assorted sauces that guarantee freedom of choice, enough room
for experimentation and maximum tolerance for diverse tastes.
Favorites: toyo't calamansi, suka at sili, patis.
“Sawsawan ng bayan” ang tawag sa mga
babaeng pakawala. Ang pinakamababang bilang ng dami ng babaeng sex worker
sa bansa ay 300,000, at may 75,000 na mga batang ipinapangalakal ang
kanilang katawan.
Paboritong lugar: Olongapo, Angeles,
Quezon Boulevard, Pasay
3. Kuwan, ano. At a loss for words? Try these and marvel at how Pinoys
understand exactly what you want.
Galing kaya ito sa Kastilang “cuando” (kailan)?
Kung gayon, hanggang kailan pa, saan nagwawakas ang kailan, saan hahantong
ang kailan? Hanggang kailan mananatiling ganito ang ganitong sitwasyon?
4. Pinoy humor and irreverence. If you're api and you know it,
crack a joke. Nothing personal, really.
Kapag nagkamali ka, nakabangga ka, nakapatay ka, nakatalisod ka, tumawa
ka. Ang pinakamalaking joke ay wala kang tinatawanan maliban ang
sarili mong kahibangan. Kapag mas malaganap ang mga biro tungkol sa
politika, mas nabubunyag ang krisis. Halinang sabayang tumawa.
5. Tingi. Thank goodness for small entrepreneurs. Where else can we
buy cigarettes, soap, condiments and life's essentials in small affordable
amounts?
Ito ang ipinagyayabang na “sachet marketing strategy” na kasama
ang pagbenta ng SMS at airtime service sa cellphone at
nakapagpaabot sa 45 porsyento ang market saturation ng Smart. Kasama na
ang pasa-load sa sistemang tingi—isang piraso ng bawang, kalahating
kamatis, shampoo na lampas sa isa pero kulang sa dalawang gamit, at
iba pa.
6. Spirituality. Even before the Spaniards came, ethnic tribes had their
own anitos, bathalas and assorted deities, pointing to a strong
relationship with the Creator, who or whatever it may be.
Bansa ng esperitista, sinasapian ng Santo
Niño, Mariang Sinukuan, Birheng Maria, at iba pa. Hindi pa kasama rito ang
opisyal na mga sandamakmak na estatwa ng Manaoag, Antipolo, Nazareno, Apo
sa Naguilian, Apo sa Paoay.
7. Po, opo, mano po. Speech suffixes that define
courtesy, deference, filial respect -- a balm to the spirit in these
aggressive times.
Makibaka po. Huwag pong matakot. Welga
po kami. Walkout po tayo sa
klase.
8. Pasalubong. Our way of sharing the vicarious thrills and
delights of a trip, and a wonderful excuse to shop without the customary
guilt.
Ah, pero sa mga Romano, mag-ingat sa
Griyegong may bitbit na pasalubong!
9. Beaches! With 7,000 plus islands, we have miles and miles of shoreline
piled high with fine white sand, lapped by warm waters, and nibbled by
exotic tropical fish. From the stormy seas of Batanes to the emerald isles
of Palawan -- in the Philippines, life is truly a beach.
Una,
high tide o low tide?
Ikalawa,
oil spill sa Guimaras? Hello?
Ikatlo, pagbenta ng gobyerno ng
commercial rights ng mga lupain sa
Boracay?
10. Bagoong. Darkly mysterious, this smelly fish or shrimp paste
typifies the underlying theme of most ethnic foods: disgustingly
unhygienic, unbearably stinky and simply irresistible.
Sa edad ng globalisasyon, ang tayo, bagoong at patis ay mas murang
angkatin mula sa Thailand.
11. Bayanihan. Yes, the internationally-renowned dance company, but
also this habit of pitching in still common in small communities. Just
have that cold beer and some pulutan ready for the troops.
Una, mabuhay ang natitirang kaunting grupo
na nagsasayaw ng tinikling at singkil sa bansa! Kahit nabura na ang
panlipunang kontexto nito ay patuloy pa rin para sa halina ng turismo.
Ikalawa, 40 porsyento ng nakatira sa
syudad ay nakatira sa squatter, 34.4 porsyento ng kabuuang populasyon ng
bansa.
12. The Balikbayan box. Another way of sharing life's bounty, no matter if
it seems like we're fleeing Pol Pot everytime we head home from anywhere
in the globe. The most wonderful part is that, more often than not, the
contents are carted home to be distributed.
Urban legend: Ang pinakamalaking balikbayan box ang kabaon ng namatay
na OCW. Sa pagtitipid, ang bawat damit, kasama ang sapatos, ay nakalaan
para sa iba’t ibang miyembro ng kamag-anak, kasama ang kung ano pang de-latang
corned beef at Spam, twalya at kobre-kama, sweater at
winter jacket na maisasaksak sa kabaong.
13. Pilipino komiks. Not to mention Hiwaga, Aliwan,
Tagalog Classics, Liwayway and "Bulaklak" magazines. Pulpy
publications that gave us Darna, Facifica Falayfay, Lagalag, Kulafu,
Kenkoy, Dyesebel, characters of a time both innocent and worldly.
Hindi ba, sa titulo pa lang ay nagbibigay-motibo na ng pagtanggap?
Maaliw, mahiwagaan, mahalimuyak, pagbubukang-liwayway. Tila may erotisismo
rin. Basahin din ang mga komiks bilang eros—ang hypersexual
na si Darna o ang bading na si Facifica, madulas na kalamnan ng hubad na
Dyesebel—at tingnan ko kung pareho pa rin ang pagtingin sa Pinoy
superheroes na ito.
14. Folk songs. They come unbidden and spring, full-blown, like a second
language, at the slightest nudge from the too-loud stereo of a passing
jeepney or tricycle.
Sa edad ng portable appliance—walkman, diskman, I-pod at MP3 player—ang
kolektibong ingay ng pumapasadang jeep at trisikel (malamang sa probinsya
na lamang dahil bawal na ito sa Metro Manila) o ang pribadong mundo ng
pang-indibidwal lamang na tunog?
15. Fiesta. Eat, drink and be merry, for tomorrow is just another
day, shrugs the poor man who, once a year, honors a patron saint with this
sumptuous, no-holds-barred spread. It's a Pinoy celebration at its pious
and riotous best.
Nagsasara nang paisa-isa ang Barrio Fiesta. Madaling kopyahin ang
resipi ng kare-kare at nagde-deliver pa nga sa mga bahay ng crispy pata.
Tingnan din ang thought balloon sa #1.
16. Aswang, manananggal, kapre. The whole underworld of Filipino
lower mythology recalls our uniquely bizarre childhood, that is, before
political correctness kicked in. Still, their rich adventures pepper our
storytelling.
Idagdag: berdugo o mga militar at
paramilitary na politikal na
pumapaslang, kabahagi ng komunidad at sa hayagang ginagawa ang pagpaslang.
17. Jeepneys. Colorful, fast, reckless, a vehicle of postwar Pinoy
ingenuity this everyman's communal Cadillac makes for a cheap, interesting
ride. If the driver's a daredevil (as they usually are), hang on to your
seat.
Kung iginagalang itong makulay na mundo ng
pagka-Filipino, bakit naghihikahos ang driver at pasahero sa loob nito?
Trip down memory lane tayo:
magkano ang pamasahe mo noong sumasakay ka ng jeep, at sa ikot
noong nag-aaral ka sa UP? Magkano na ang pamasahe ngayon?
18. Dinuguan. Blood stew, a bloodcurdling idea, until you try it
with puto. Best when mined with jalapeño peppers. Messy but
delicious.
Ayon sa Karapatan, 778 na ang politikal na pinaslang simula 2001 nang
unang maging pangulo si Gloria Macapagal-Arroyo.
19. Santacruzan. More than just a beauty contest, this one has
religious overtones, a tableau of St. Helena's and Constantine's search
for the Cross that seamlessly blends piety, pageantry and ritual. Plus,
it's the perfect excuse to show off the prettiest ladies -- and the most
beautiful gowns.
Noong nag-Santacruzan sa isang community center sa Nagoya, mga
2000, ipinapaliwanag sa akin ang kahalagahan nitong Flores de Mayo. Ang
sinabi ko ay tungkol ito sa OCW rin, ang matagalan at pursigidong
paghahanap at pagsasakripisyo. Maingay pa rin ang audience at
inaantay lamang nila kung sino ang puputungang Reyna Elena.
20. Balut. Unhatched duck's embryo, another unspeakable ethnic food
to outsiders, but oh, to indulge in guilty pleasures! Sprinkle some salt
and suck out that soup, with gusto.
Kasama ng mga uod, bayag ng baka at tupa, titi ng usa, gagamba at ipis,
ang balut ay naging kabahagi na ng ipinapakain sa kontestants ng yumaong
Fear Factor, isang reality contest na ang batayan ng
pagpanalo ay yaong kayang kumprontahin ang kanilang takot. Bulatlat
(Halaw sa “100 Good
Reasons to be ‘Pinoy’” na finorward ni Dr. Robert L. Yoder sa
pinoytok@yahoogroups.com, inakses noong 12 Pebrero 2006.)
------------------------------
(Ang maikling
kolum na ito ay nasa pormang dagli, na ginamit sa mga diyaryo sa panahon
ng kolonyalismo ng US sa Pilipinas. Ang moda ng dagli ay maaaring
dedikasyon, malasanaysay o malakatha. Maaari itong magkaroon ng lamang
pulitikal na siyang magiging palagiang laman ng kolum na ito.)
BACK TO
TOP ■
PRINTER-FRIENDLY VERSION ■
COMMENT
© 2006 Bulatlat
■
Alipato Media Center
Permission is granted to reprint or redistribute this article, provided
its author/s and Bulatlat are properly credited and notified.