Sa halip na kilalanin bilang opisyal na ginawa ng pamahalaan noong digmaan at humingi ng tawad sa pang-aabuso, ang ginawa ng mga Hapon ay magtatag ng AWF o Asian Women’s Fund na isang pribadong pondo para sa pantulong sa mga comfort women. Marami pang kakulangan sa pagkilala sa mga naranasan ng mga comfort women. Binubura ang kanilang mga alaala sa bawat mga opisyal na pagtanggi ng kanilang pag-iral. Maraming bayan, lalo na sa Hapon, ang hindi nakapaloob ang karanasan ng mga comfort women bilang bahagi ng pagtalakay sa kasaysayan.