Sa imahinasyon ng mga bayaning nakikipaglaban sa pananakop, mahalaga ang pagpapahayag na maituturing na vandalism na gumagambala sa kapanatagan ng mga naghaharing uri. Matatandaan na sa El Filibusterismo, mahalaga ang pangyayari ng pagkatuklas ng mga paskil na nagpapahayag ng paglaban sa pang-aabuso ng mga prayle at iba pang mga pinunong Espanyol na naging dahilan upang hulihin ang mga pinaghihinalaang mga estudyante at magkaroon ng panic ang mga pinuno ng bayan sa pinaghihinalaang kilusang konspiratoryal na magpapabagsak sa pamahalaan. Sa nobela ni Rizal, pinatalsik sa pamantasan ang mga pinaghihinalaang mga estudyante kahit na iyong wala namang kinalaman sa kilusan.
Tags: Panday Sining
Retorika ng “bandalismo”
Pero sa panahon ng panlipunang krisis na basta-basta na lang kinikitil ang buhay, at basta-basta na lang ibinebenta ng mismong Pangulo ang soberanya ng bansa, ano pa ang puwedeng gawin ng Panday Sining? Inaasahan ba itong tumalima sa burukrasya sa sitwasyong ang mismong burukrasya ang problema?