Ni JOI BARRIOS Una kang lagi kung bumati sa tuwing may nagdiriwang ng kaarawan. Anong karangalan, na iyong mapahalagahan ang bawat isa sa amin, na hirap mapantayan ang iyong sakripisyo, ang buong buhay na inihandog sa bayan. Ama kang kinilala ng bawat kasama pagkat ngayon ay panahon na kailangan ng huwaran. Bayani ng bayan, hayaan…
Tags: joi barrios
Liham sa lahat ng nanlait sa mga rallyista sa Sona
Ni Joi Barrios Kumusta naman ang iyong kape sa umaga, Habang nanonood o nagbabasa ng balita, Sa mga naganap sa huling SONA? A, oo, isisi natin ang lahat sa raliyista. Isisi natin ang trapik, nasirang gamit, Dumi sa kalyeng hindi nailigpit. Oo, pati kasawain natin sa pag-ibig. Isisi natin ang lahat sa rallyista, Pati ang…
Pagtulay Sa Alambre (Isang Liham sa mga Filipina na Naninirahan sa Estados Unidos)*
NI JOI BARRIOS Inilathala ng Bulatlat Mahal na kabaro, Mahal na kapatid, Ang balita tungkol sa babaeng ginahis, nagsakdal, at nagpalit ng testimonya ay balitang batid kong lumatay sa bawat dibdib, pinipilit ang bawat isa na bumagtas sa ngayon at sa nakalipas, sa ngayon at sa hinaharap. Pagkat paano nalilimot ang gahasa? Ang paghablot ng…
Panata ng Pilipino
(Pasintabi sa mga makatang Amado V. Hernandez, Rio Alma, Jose Lacaba at Bienvenido Lumbera) NI JOI BARRIOS-LEBLANC Bagong Alyansang Makabayan Women’s Desk Inilathala ng Bulatlat Hindi na kailanman. Hindi na kailanman ang alembreng tinik, ang bilanggong pulitikal na tumatanaw sa kapirasong langit[1] ang takot sa pasismo na namamahay sa dibdib. Hindi na kailanman ang kondesa…
Longhino
NI JOI BARRIOS Inilathala ng Bulatlat Vol. VIII, No. 7, March 16-29, 2008 Longhino, Longhino! Sundalo kang Romano. Ikaw na pumukol ng sibat, Sa tagiliran ni Kristo, Pagkat nais matanto Kung ang hininga niya’y Tuluyan nang napugto. Ikaw na bulag, Ngunit sa tilamsik ng dugo, Ay nakakita ng liwanag. Ay, Longhino! Ngayo’y Semana Santa na…
Ang Lihim ni Madam Gloria
Ni Joi Barrios* Congress of Teachers/Educators for Nationalism and Democracy – Alliance of Concerned Teachers Ang akala ng lahat May layang magpahayag, Ngunit tayo lang ay nalingat May batas nang di mapaliwanag. (Mayroon nga ba talaga? Tiyak na tiyak?) May estasyon sa telebisyon, Bawal magbilang ng resulta ng eleksiyon, May pahayagang waring pinagbawalan Tumanggap ng…