Tags: Danilo Arao

Konteksto | PhD

Para sa mga katulad kong may edad na, may isang pundamental na katotohanan: Wala nang masyadong motibasyon para magtapos sa gradwadong antas. Matagal na kasing nasa akin ang ilang inaasahang nakamit na ng akademikong may nakakabit na PhD sa kanilang pangalan—kawaksing propesor (na ranggong senior sa akademya) nang isang dekada na; patnugot ng internasyonal na pang-akademikong dyornal na may reputasyon naman; awtor ng mga artikulo’t libro sa wikang Ingles at Filipino na dumaan sa prosesong peer review. May iba pang puwedeng banggitin pero hindi ito okasyon ng pagyayabang. Ito ay paglilinaw ng politikal na konteksto.

Organisasyon

PALIPARANG HONG KONG, Tsina – Sa loob ng ilang oras, darating na ang eroplanong pabalik ng Maynila. Sa wakas, matutuwa na ang mga “pinagkakautangan” ko. Huwag po kayong mag-alala. Hindi po ito usapin ng pera. May mga utang po kasi akong artikulo, pahayag, interbyu, lektyur, seminar-workshop at kung ano-ano pa sa mga susunod na araw,…

Sa likod ng kamera

Sadyang tinatago sa makukulay na termino ang sitwasyong napakasaklap para maging katanggap-tanggap. Hindi ito kakaiba sa kamerang nagbibigay ng ilusyon ng pag-unlad kahit na kabaligtaran ang realidad. Hindi nasasapol ng kamera ang lahat ng nangyayari, lalo na ang sitwasyon sa likod nito.

Regulasyon (at rebolusyon) sa motorsiklo

Totoo namang pribilehiyo ang magkaroon ng lisensiya sa pagmamaneho. Kailangang dumaan sa masusing eksaminasyon ang sinumang nagnanais na humawak ng manibela. Sa kanyang pagpapaandar ng sasakya, nakasalalay kasi hindi lang ang kanyang buhay kundi ang buhay na rin ng kanyang mga pasahero. Kaugnay nito, tama rin namang magkaroon ng ilang regulasyon sa mga sasakyan ng…

Teknolohiya at seguridad sa ating online na buhay

Huwag masyadong umasa sa bagong teknolohiya at maging sobrang maingat sa pagbibigay ng personal na impormasyon. Kung kailangang makipag-usap sa isang tao at malapit lang naman siya, huwag nang gumamit ng high-tech na gadget at direkta nang makipagkita sa kanya. Iba pa rin ang personal na interaksyon kahit na may bagong teknolohiyang nangangako ng personal na ginhawa.

May pagkilala man sa problemang kinakaharap, mapapansing hindi pa rin ginagamit ng pamahalaan ang salitang “krisis” para ilarawan ang problema natin ngayon sa suplay ng bigas. NI DANILO ARAÑA ARAO Konteksto / Pinoy Weekly Inilathala ng Bulatlat Vol. VIII, No. 12, April 27-May 3, 2008 May pagkilala man sa problemang kinakaharap, mapapansing hindi pa rin…

Para sa mga tunay na traydor at kaaway, kailangan ang eskapismo para mabigyan ng maling konsepto ng pagkakaisa ang mamamayan at mapanatili sila sa kapangyarihan. At dahil nagagamit si Pacquiao at ang kanyang mga laban ay nagiging instrumento ng pambansang pagkalimot, napapanahon na, para sa akin, ang permanenteng niyang pag-alis sa boxing ring. NI DANILO…