TULA
(POETRY)
Corrido (Sa Ngayong
Ulinig)
NI RAUL FUNILAS
Inilathala ng Bulatlat
At aquing pupunuan na
corrido,I, ipagbadya
hanga’t salin sa historia
niyon buhay ni Cassandra.
-- Ikaanim na saknong ng koridong “Principe Orentis” ni Jose de la Cruz
Sinisintang Mandirigma
Sa kubakob na magara,
Matatalas ang salitang
Sa dalita’y humihiwa.
Sinasabi’y tumatatag,
Republikang Pilipinas;
Subalit mukhang baligtad
Si Juan ay di umunlad.
Nangaral sa bagong Pulis,
Sa PMA na grumadweyt:
Huwag magtangkang lumihis
At hahatulang malupit.
Ang harana ng kundiman,
Sa byuti ng Cha-chang sayaw
Ay ang tinutang barangay;
Bawat pirma ay may lagay.
Hinanap nila’y si Gringo
Dahil Kuya ng Magdalo,
Si Jocjoc na waldasero’y
Nasa casinong palasyo.
Aba’t gusto ring busalan
Ang bibig ng pahayagan,
Meron pa bang kalayaan
Sa laksang makatang bayan?
30 Marso 2006
Inilathala ng Bulatlat
BACK TO
TOP ■
PRINTER-FRIENDLY VERSION ■
COMMENT
© 2006 Bulatlat
■
Alipato Publications
Permission is granted to reprint or redistribute this article, provided
its author/s and Bulatlat are properly credited and notified.