TULA (POETRY)
Diyarista
NI NOEL SALES
BARCELONA
Bulatlat
Ayaw ka nilang
magsuri
Kaya
ikinahon nila
sa kabalintunaan ang
reyalidad mo,
Inembalsamo nila
ang iyong talino.
Ayaw ka nilang
makadama
Kaya
iwinangis ka nila
kina Adonis at Narsiso.
Ayaw ka nilang
mag-isip
Kaya
pinaniwala ka
sa daigdig ng engkantado.
Nang mamulat ka naman
at
umayaw kay Narsiso
at sa ideya ng mito:
Binulag ka nila sa
kalansing ng piso.
Nang ayaw nang
paalipin
Sa
ilang butil ng kanin
Sinimulang ibunyag
ang kanilang mga lihim.
Sa dibdib—
Inipon ang tapang.
Ang puso—
Inihanda sa paglaban.
Di ka nagpapigil.
Subalit, dahil nga
ayaw ka nilang magsalita nang totoo
Pinutol nila ang
Maigsi
nang hininga
Mo.
Setyembre
01, 2006
Lungsod Quezon
Inilathala ng
Bulatlat
BACK TO
TOP ■
PRINTER-FRIENDLY VERSION ■
COMMENT
© 2006 Bulatlat
■
Alipato Media Center
Permission is granted to reprint or redistribute this article, provided
its author/s and Bulatlat are properly credited and notified.