This story
was taken from Bulatlat, the Philippines's alternative weekly
newsmagazine (www.bulatlat.com).
Vol. VI, No. 33, Sept.
24-30, 2006
Maiksing Eskema at Eksena sa Bayan Namin Si Bang-aw ay isa lamang sa
limang batang lagalag na ligalig Setyembre 22, 2006 © 2006 Bulatlat
■
Alipato Media Center Permission is granted to reprint or redistribute this article, provided its author/s and Bulatlat are properly credited and notified.
NI RAUL FUNILAS
Inilathala ng Bulatlat
Sa lansangang naglalansa ang kalan ng kanal at imburnal.
Ang limang daliri’y isinuksok sa naglalantiting garapong pawis,
Upang bumalani ang pampasabog na lasa ng kultadong asin
Sa ga-ulo ng pusang may umok sa nakabalot na kaning kinakain
Ng mga batang butusing nakapalibot sa styro foam ng McDo at Jolibee.
Araw-araw na nasa apat na sulok ng nanlilimahid at hukot naming bayan
Ang angaw na bangaw na lipos naglilibang sa nakasusulasok na basurahan.
Ginagalugad ang palibot at nagbubulungan, nagpapandyikme at nakikipaggalbutan
Sa bungangang tumatanghod sa burarang lapad ng dulang na nakapangangasim.
Galit ang limang bata! Pinaglalagod nang hataw ng dalawang pirurutong na palad
Ang mga ligaw na bangaw na sa pagkain ay kanilang laging kaagaw…araw-araw.
Inilathala ng Bulatlat