Bu-lat-lat (boo-lat-lat) verb: to search, probe, investigate, inquire; to unearth facts

Volume 3,  Number 33              September 21 - 27, 2003            Quezon City, Philippines


 





Outstanding, insightful, honest coverage...

 

Join the Bulatlat.com mailing list!

Powered by groups.yahoo.com

Poetry

Ang Kalupitan

ni Romulo Baquiran
 
Ang armadong hanay 

Ng mga aso ng estado

Ay tumahol, umangil

Sumagpang sa laman ng nagtatanggol

Sa karapatan ng bayan.

 

Ang karapatan ng bayan

Na kanilang dapat ipagtanggol

Ay siya pa nilang niyuyurakan,

Siya pa nilang unang dinadahas.

 

Ang mga guro, ang mga mag-aaral

Ang mga manggagawa

Ay sumusulong patungo sa

Paghahayag ng kalayaan

Ngunit ang mga aso

Ang mga aso ay nakaharang

Sa tarangkahan ng kondesang

Nagdunung-dunungan

Na unang-una namang magbenta

Sa bayan.

 

Kaya huwag,

Huwag paduduro sa pinunong hangal.

Ang karapatan ng tao

Ay isulong isulong nang buong dangal.

 

Prof. Romulo Baquiran of the Departamento ng Filipino at Panitikang Pilipino (DFPP) wrote this poem in time for the indignation rally last Sept. 12 at the AS steps of University of the Philippines in Diliman, Quezon City. The poem denounces the violent dispersal of a rally at the Senate last Sept. 9 which resulted in the arrest of three UP faculty and 10 students. Prof. Baquiran is a member of the Congress of Teachers/Educators for Nationalism and Democracy, UP chapter (CONTEND-UP)

Bulatlat.com

Back to top


We want to know what you think of this article.